Establish rapport (intro muna, first post kasi)

Magtake ng nursing. Gumraduate after 4 yrs. Mag-experience ng 2 years. Mag-abroad.

Eto ang gameplan ko dati bago ako mag-enter ng college. Akala ko ganun lang kadali ang lahat. Nakaraos naman ako sa college at nakapagtrabaho sa isang hospital. Roller coaster ride ang buhay sa hospital. Pag chill, chill lang talaga (siguro wala pang 10 days total yun in 2 1/2 years ko) pero pag toxic, talagang toxic, yung tipong humihiwalay na rin ang kaluluwa mo dahil sobrang pagod + puyat pa. Hindi ganung kalakihan ang sahod ko (alam naman natin ang bigayan sa Pinas) pero sapat na para pangkain at pamasahe araw-araw. Minsan may extra pang pantuhog ng kwek-kwek sa labas. Matipid na ako dati pa, may alkansya ako na nilalagyan ko ng laman kada sahod o kaya pag may sukli sa tricycle. Nagbabaon din ako nun at bihirang bumili sa labas kaya nakakapagtabi talaga at nakakapagbigay pa rin sa magulang para sa panggastos sa bahay.

Fast forward, after 2 1/2 years nakapag-abroad na rin sa wakas. Sabi ko konti na lang at medyo makakaluwag-luwag na rin. I've never been so wrong (lols). Nag-upgrade nga ang sahod ko compared sa Pinas pero 2x nag-upgrade naman ang mga gastusin. Kaya naman, dahil di na bago sakin ang pagtitipid kaya di masyadong nakakapanibago sa pagbudget.

Dati nung nasa Pinas pa ako, naririnig ko na ang salitang "invest" pero nung panahon na yun eh yung kalakasan ng mga "POWER" na hindi ko alam kung sino talaga ang original na nagsabi, at iba pang mga makakapangyarihang tao (power daw eh) kaya imbis na pumasok agad sa mga ganun na wala pa akong idea kung ano, minabuti kong itabi nalang muna pera ko sa alkansya. Dito sa Dubai may mga ganyang groups din lalo na nung kakadating ko. Isang katrabaho ko dati sa Pinas (na asawa ko na ngayon, shoutout nga pala kay Louise) ang nag-introduce sakin sa isang group (INTERNATIONAL MARKETING GROUP) na hindi lang itinuturo kung paano mag-invest, kundi pati na rin kung paano mas maayos na i-manage ang pera mo at sobrang dami pang iba. At dun na ako nagsimulang maging investor.

How IMG changed my life?

Hello! :) I'm Louise. Isa akong nurse. 2013 noong makipagsapalaran ako sa Dubai para maging OFW. Sabi ko noon, "Ayaw ko magtagal abroad. Mag-iipon lang ako." Yan ang goal ko. Naririnig ko na nun ang salitang STOCK MARKET. Akala ko pang mayaman lang yun. Pero nabasa ko ang libro ni Bro. Bo Sanchez na My Maid Invest In The Stock Market. Kung yung maid nga nakakapag-invest, edi pwede din ako. Kaya naghanap akong way kung paano ba ako makakapag-invest dito. Buti nalang may kaibigan akong nakapagsabi na dun daw sa Dubai ay may libreng seminar para matutunan ito. Kaya pinuntahan ko. Dun ko natutunan na dapat pala matatag ang Financial Foundation mo bago ka mag-invest. Tama naman! The best decision I made was to become an IMG member. Dito na-guide ako ng step by step na gagawin para magstart mag-invest. Mali nga ako, hindi lang pang mayaman ang Stock Market. Basta dapat tama ang kaalaman, kayang-kaya mo ding magsimulang mag-invest kahit sa maliit na halaga lang. Nag-start ako mag invest dito noong 23 years old ako. Ang buhay OFW ay hindi madali. Kaya bawat sakripisyo ko doon ay ayaw kong sayangin. To make the story short, I was able to build my financial foundation. At ang masaya dito at fulfilling, ay nakatulong din ako sa iba pang kabayan natin sa Dubai kung paano sila magsimula sa kanilang Financial Foundation. After 5 years ng pagsisikap, pagtitipid at pag-iinvest umuwi na akong Pilipinas for good. Goal Met! :)

Healthcare Insurance, gastos? think again

As a nurse, kasama na sa araw-araw nating buhay ang pag-aalaga sa iba't-ibang uri ng tao (matanda, bata, lalaki, babae, gitna, mayaman, mahirap, etc.). Ang pinakamasakit na makita (maliban sa walang laman mong wallet) ay ang mga taong patuloy na nagdurusa sa sakit dahil wala silang kakayahang makapagbayad ng gamot o pang-admit sa ospital. Ang ending, either mas lumalala ang simpleng sakit or worse, namamatay. Karamihan sa mga pasyenteng ganito eh yung mga walang-wala talaga at walang insurance na kahit ano, kahit Philhealth. Marami pa talagang tao na ang tingin sa insurance eh gastos at malalaman nalang ang halaga nito pag huli na.

Simpleng real talk, lahat tayo nagkakasakit, lahat tayo namamatay, at yung mga pangyayari na 'to eh hindi natin kontrolado at hindi natin alam kung kelan mangyayari. Isang sakit lang kaya nang patumbahin lahat ng naipundar mo during your working years at malamang mag-negative ka pa dahil sa utang. Maraming taong mga angat sa buhay dati pero nung may nagkasakit sa pamilya nila, dahil hindi nila pinaghandaan at wala silang insurance, ay biglang naghirap hanggang sa wala na talagang natira sa kanila. Huwag naman sanang mangyari din ito sa iba kaya ngayon palang, sana maisip ng mga tao na huwag ipagwalang-bahala ang pagkuha ng healthcare insurance. Magpopost ako ng tungkol sa iba't ibang uri ng insurance sa mga future post ko, wait nyo lang.

Magstart na ako mag-invest!.. sure ka?

 Kalma muna, bago ka pumasok sa larangan na yan may itatanong ako. Alam mo na ba ang Solid Financial Foundation? Marahil narinig or nakita mo na 'to somewhere lalo na kung nagsisimula ka pa lang mag-research kung paano ka magsisimula mag-invest, pero ang tanong, ginagawa mo ba? Sa mga di pa nakakaalam, eto ang basic na tinuturo sa International Marketing Group (IMG). Eto ang kumbaga beginner's guide natin bago mag-invest. Para mas madaling ipaliwanag, ganto siya:

Eto ang topic na hindi tinuro sa buong buhay ko as student lalo sa nursing syempre, kaya bago ka mag-isip na gusto mo nang mag-invest agad, itanong mo sa sarili mo "Saan na akong stage dito?" Maraming mga bagay na kelangan mo munang i-consider bago ka umakyat sa pinakatuktok which is investment. Mas detalyado 'tong ipapaliwanag sa Financial Center namin, libre siya para sa lahat ng gustong matuto. Ako dati akala ko alam ko na lahat, excited agad ako mag-invest dahil compared nga sa Pinas, mas mataas nang konti ang sahod dito sa UAE kaya nung umattend ako sa very first seminar nila, nagbago ang pananaw ko sa buhay. 

Starter book (kahit sa mga tamad magbasa)

Kung meron akong maisa-suggest na libro para sa mga may balak mag-invest, eto sya:

Nandito lahat ng basic na kailangan mong malaman at ang maganda pa dito, kayang kaya mo syang basahin nang isang upuan lang kaya bagay talaga ito para sa lahat. Ako sobrang tamad talaga akong magbasa, tipong makita ko palang ang libro nanghihina na ako (shoutout sa Medical-Surgical Nursing books). Mga less than 2 hours natapos ko na syang basahin at masasabi kong marami akong natutunan talaga. Simplified ang content kaya hindi siya mahirap intindihin. Tulad ng nasa cover ng book, diniscuss dito ang solid financial foundation at marami pang iba. Must-read talaga to para sa lahat. Kung kilala mo si Bro. Bo Sanchez, highly recommended din niya ang book na ito, at oo, member din siya ng IMG.

Paano magkaroon ng copy? Pwede kitang pahiramin, basta siguraduhin mong babasahin mo siya, tsaka ibabalik din syempre (marami din kasing nanghihiram), send ka lang ng message sakin o pwede mo i-download ang  1st 2 chapter ng book. Sa mga gustong maging member (which I strongly recommend), makukuha niyo ang book nang libre plus super daming benefits (click mo yung LEARN MORE para makita ang napakaraming benefits as IMG member).

R.I.P. WALLET

Nung unang panahon, nung nagtatrabaho pa ako sa Pinas, talagang pulahan na ang status ng buhay ng wallet ko nun. Tipong isang pitik nalang pwede nang ilibing. Ganun naman talaga dahil ganun talaga bigayan sa mga nurses sa Pinas (itaas ang sahod ng mga nurse! ano na?!). Tiyagaan lang para mag-experience at makapag-abroad. Swerte lang minsan pag may pa-duty tapos holiday, yun madalas kuha lang ako ng paduty lalo na kung di naman toxic, wala naman akong jowa nun kaya OT is life. Yun ang dahilan kaya nakakapagtabi pa ako minsan.

Dito sa UAE, ibang story naman. Kahit gaano kalaki ang sahod mo, kung paano mo i-handle ang pera mo dun nagkakatalo. Renta palang ng bahay dito patay na agad halos 1/3 ng sahod mo tapos karamihan eh mas malaki pa ang banyo kesa sa room mo mismo. Minsan nga maiisipan mong maglagay ng bed nalang sa banyo, mas maluwang na, di ka pa lalakad nang malayo pag naiihi ka. Kung sa pagkain naman, medyo mura dito tsaka kahit saan may grocery ka na makikita (wag mo lang iconvert sa peso). Sa ibang tao sapat na ang 500 dirhams na food allowance per month, may sobra pa kung madiskarte talaga.

Ang malakas pumatay ng wallet dito eh ang mga 24 hours a day, 7 days a week na sale sa mga malls or kahit sa mga tabi tabing tindahan lang. Yung iba legit na sale talaga, yung iba naman eh shunga lang ang maniniwalang sale. Uso din ang hulugan ng mga telecommunications company sa mga latest phones or gadgets na yearly lumalabas na hindi ko maintindihan kung bakit maraming mga taong gustong magpalit ng phone yearly. Yung sakin kung di lang nabasag ang screen di ko papalitan eh. Marami ding mga sale na damit dito na kahit sale eh mapapamura ka nalang pag nakita mo presyo. At marami pang iba na sadyang ginawa para ubusin laman ng wallet mo.

Maraming mga kabayan dito ang mga di nagpapahuli sa kung ano ang uso, tipong bili lang nang bili, wapakels sa presyo nandyan naman si credit card. Marami ding laki sa London (loan dito, loan doon) na sa huli eh nauuwi sa free accomodation (kulungan) pag singilan na. Ok lang naman mag-loan lalo na kung talagang may paggagamitan ka neto na sobrang importante, pero kung magloloan ka lang para makabili ng bagay na gusto mo at makapagyabang eh ayos yan tropa, basta walang sisihan sa huli. Marami nang nakulong din dito dahil sa mga problema sa credit cards at loans, sobrang daling magpa-approve ng loan dito pero ang hirap makalabas once na makapasok ka na. Ang masaklap na katotohanan, maraming mga kabayan dito ang dito na tumanda na walang naipundar na kahit ano kundi patong patong na utang. Yung tipong sa edad nila dapat retiro na sila sa trabaho at ine-enjoy ang buhay pero kabaligtaran ang nangyayari dahil sa utang na yan. Utang na yan talaga o.

Kaya kung isa ka sa mga kabayan dito sa UAE na mahilig gumala, bumili ng di naman kelangan, walwal is life, at buhay YOLO, mag-isip isip ka na. Sabi nga, enjoy now, suffer later. Baka pag nakita ka ng future self mo eh pektusan ka nang matindi dahil siya ang nagdudusa sa mga kashungahan mo nung bata ka pa. Tabi tabi din pag may sobra at ipon ipon din pag may time, malayo ang mararating nyan pramis. Tandaan mo ang Solid Financial Foundation na pinahapyawan ko sa previous blog ko kung wala kang idea kung paano i-handle ang pera mo. You're welcome. 

Rammel Reyes, R.N.

Founder,  From Scrubs To Riches

IMG Financial Educator

Louise Reyes, R.N.

Co-Founder,  From Scrubs To Riches

Registered Associate Financial Planner

IMG Financial Educator

IMG Senior Marketing Director

Back to HOME PAGE